I HAVE discovered this a few days ago but I only got the chance to right about it now.
Last December, I attended a songwriting workshop in GenSan with the Maestros, Nonoy Tan, Mon del Rosario, and Tito Cayamanda. Aside from inputs on how to compose a song, these composer also gave us a peek into the songwriting business. And one interesting point discussed was plagiarism. They also emphasized how important it is for the composer to protect his rights as the owner oh his compositions.
One Filipino composer, Gary Granada, known for his catchy jingles and pithy yet playful lyrics, is in a predicament with one of the country's leading media network, GMA 7, regarding a promotional jingle for Kapuso Foundation, whose music he was commissioned to create. Unfortunately, his work wasn't accepted and the network decided to air another composer's work, which happened to be similar, in a number of ways, to the study Granada submitted.
Listen to this audio recording to hear the stody straight from Gary Granada:
Last December, I attended a songwriting workshop in GenSan with the Maestros, Nonoy Tan, Mon del Rosario, and Tito Cayamanda. Aside from inputs on how to compose a song, these composer also gave us a peek into the songwriting business. And one interesting point discussed was plagiarism. They also emphasized how important it is for the composer to protect his rights as the owner oh his compositions.
One Filipino composer, Gary Granada, known for his catchy jingles and pithy yet playful lyrics, is in a predicament with one of the country's leading media network, GMA 7, regarding a promotional jingle for Kapuso Foundation, whose music he was commissioned to create. Unfortunately, his work wasn't accepted and the network decided to air another composer's work, which happened to be similar, in a number of ways, to the study Granada submitted.
Listen to this audio recording to hear the stody straight from Gary Granada:
Magandang araw po, ang pangalan ko po ay Gary Granada. Ako po ay isang song
writer o composer at ang hanap-buhay ko ay gumawa ng mga jingles.
Kung
kaya ako ay kinomisyon ng GMA Kapuso Foundation na gumawa ng jingle para sa
kampanyang Threepid Handog Edukasyon ng Proctor and Gamble. Gaya ng nakasanayan
sa advertising industry binigyan nila ako ng lyrics, which I’m supposed to set
to music, na dapat ang haba ay sixty seconds. Eto po yung binigay nila:
Kung may lapis kaya kong isulat ang aking mga pangarap
Kung may
krayola kaya kong iguhit ang aking kinabukasan
Sa handog edukasyon mga gamit
pampaaralan aking makakamtan
Sa tulong mo edukasyon ko tuloy-tuloy na
magagampan
Ang aking pagpupursigi hindi masasayang dahil nandiyan ka
katulong ko sa bawat hakbang
Tapos may voice over, tapos kanta ulit.
Sa handog edukasyon magandang kinabukasan aking makakamtan.
Obviously kailangang ayusin o i-edit ito para tumugma duon sa music. Ang
proseso ay ganito. Anumang revisions na gawin ko ay dapat may approval ng
client. And after several revisions, ito na yung huli kong sinubmit na study.
Kung may lapis kaya kong isulat ang pangarap
Kung may krayola kaya
kong iguhit ang bukas
Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan aking
makakamtan
Sa tulong mo pag-aaral ko magagampanan
Ang pagpupunyagi di
masasayang
Sa Threepid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya
mo ring tumulong. Sa bawat threepid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay
ng school supplies sa isang bata.
Sa handog edukasyon magandang
kinabukasan
Aking makakamtan
Hanapin ang threepid sa mga brands na
ito.
Mangyari ito ay hindi pumasa at pinagawa na lang sa ibang composer.
At ito naman yung lumabas na brinoadcast sa GMA network.
Kung may lapis
kaya kong isulat ang pangarap
Kung may krayola kaya kong iguhit ang bukas
Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan
aking makakamtan
Sa tulong
mo pag-aaral ko magagampan
Ang pagpupunyagi di masasayang
Sa
Threepid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring tumulong. Sa
bawat threepid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school supplies sa
isang bata.
Sa handog edukasyon magandang kinabukasan
Aking
makakamtan…
Hanapin ang threepid sa mga brands na ito.
Obviously, ginamit nila yung edited lyrics batay sa pagkasukat ko. Pero
hindi lang po yun ang isyu. Bukod sa lyrics, ginamit din nilang tuntungan ang
musical structure na ginawa ko. At ipapaliwanag ko sa inyo kung paano.
Ang musicial composition ay may tatlong basic elements.
Una, ay
yung tono. Halimbawa, sa A-B-C-D-E-F-G, ang tono ay, DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL.
Ngayon, kung gagawa ka ng kantang, ABCDEFG na ganito, A-B-C-D-E-F-G, o,
SO-LA-TI-DO-TI-LA-SOL. Hindi mo ngayon yun completely original na creation dahil
sinakyan mo lang ang pinagpaguran ng iba. At nagiging madaling gawin, precisely
because, sinukat na yung piyesa nung gumawa nung original.
Ang ikalawang
element ay tinatawag na balor ng mga nota. Halimbawa, ang mga nota ng
DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL, ay anim na magkasunod na quarter notes at isang half
note. Iba po yun kaysa halimbawa apat na magkasunod na eight notes, isang dotted
quarter note, isang eight note ulit at isang half note na ganito naman,
DO-DO-SOL-SOL-LA-LA-SOL.
And finally ang ikatlong element ng musical
composition ay ang harmonic logic. Sa lay persons term ay yun yun kung saan
dumadaan ang chords at kung kailan lumilipat. Halimbawa, ang A-B-C-D-E-F-G, ay C
papuntang F tapos balik sa C. Hindi magwo-work yung ilalagay mo yung F sa huli.
A-B-C-D-E-F-G. Hindi rin magwowork kung, sa A dumaan papuntang D minor,
halimbawa, A-B-D-C-E-F-G, pero pwede yung daanan na yun kung ang kantang yun ay,
“He– answers prayers”.
At para patunayan ko sa inyo na ginawa nilang
tuntungan yung aking komposisyon, kakantahin ko yung jingle sa tono na pinagawa
nila sa iba, kasabay nung minus one na study na ginawa ko.
Kung may
lapis kaya kong isulat ang pangarap
Kung may krayola kaya kong iguhit ang
bukas
Sa handog edukasyon mga gamit pampaaralan
aking makakamtan
Sa
tulong mo pag-aaral ko magagampanan
Ang pagpupunyagi di masasayang
Sa Threepid Handog Edukasyon at GMA Kapuso Foundation, kaya mo ring
tumulong. Sa bawat threepid na bibilhin mo, makakatulong kang magbigay ng school
supplies sa isang bata.
Sa handog edukasyon
mga gamit pampaaralan
aking makakamtan…
Hanapin ang threepid sa mga brands na ito.
Think about it, yung mga parteng may kanta ay mga mga kantang twenty
eight na bara yun. Yung probability na magkaruon na magkahawig mula umpisa
hanggang dulo ay ganito. Sa bawat bara you have theoritically dozens of possible
combinations. Sabihin na lang nating dalawang possibilities na lang per bar.
That would be two times two times twenty seven times mong
i-(http://foobarph.multiply.com)multiply.
The chances of that
coincidence would be one in one hundred thirty four million two hundred
seventeen thousand seven hundred twenty eight. At those odds, I think our dog
has a better chance of becoming president of god-forsaken country, since they
are throwing it to the dogs anyway.
Nagsumbong ako sa FILSCAP, yun po
yung Filipino Society of Composers, Authors(http://rllqph.wordpress.com) and
Publishers. Nagpadala ito ng sulat sa GMA, tinanong namin kung bakit di nila
ginawa yung friendly reminder namin, na kung ipagawa nila sa iba, ang ibigay
nila sa gagawa ay yung original nilang lyrics at h’wag gamitin ang ginawa kong
study.
At kung napansin ninyong hindi gaanong maganda ang quality ng
audio nung jingle na brinodcast nila, ay kasi ni record ko lang yun galing sa TV
mismo. Paano kasi, mahigit isang buwan na akong nag re request kahit mp3 man
lang nun for reference ay di man lang ako binigyan. Nabanggit din yun sa sulat
ng FILSCAP, di man lang sinagot. Napaka-arogante.
Sa halip, ang sagot ng
GMA, ay wala akong claim dahil yun daw ginawa ko ay collective effort namin.
Siguro parang ganito, halika upo tayo at mag compose tayo collectively. Kung
ganun, eh di ibig sabihin pala, kung paano sinukat yung lyrics at music para
magkasya sa isang minuto ay collective naming ginawa yun. Yung paano pagtugmahin
yung mga letra sa mga nota ay collective naming ginawa yun. Yun kung saan dalhin
ang daloy ng harmony ay collective naming ginawa yun. At kung ganun na nga,
marami naman palang mga tao sa GMA that can collectively compose. Bakit pa nila
ako kinuha? Sa tinagal-tagal ko sa trabahong ito, nuon ko lang maranasan na mag
compose collectively.
Maalala ko yung short meeting namin na yun eh,
mahaba kasi yung lyrics kaya kailangan pang paiksiin. Halimbawa yung, aking
kinabukasan, sabi ko, ok ba sa inyo kung gawin ko na lang bukas, aking
kinabukasan, pito, pitong syllables, bukas, dalawa lang. Tatango-tango naman
yung iba. Ganun pala mag compose collectively.
Ang hindi nila
naiintidihan, kaya ko sinuggest yung bukas kasi concious ako na pasok yun duon
sa melody na naiisip ko. At kaya nga naging madali na lang gawan ng ibang tono
ng iba, kasi finormat ko na yung original lyrics mo, na magiging singable at
musical. Hindi na lang yun prose, poetry o freeverse. Ginawa ko nang musical
yung metro, bigkas at sukat ng copy mo. Kaya nga ang tawag sa inyo ay
copywriter, at ang tawag sa akin ay composer. Kasi, babalen-balentungin mo man
yang utak mo ng isang milyung beses, hindi mo ma-compose yung lyrics na yun ng
ganun.
And you have the audacity to tell me that my composition is our
collective effort. In fairness to you, you have a very imaginative mind. Baka
sabihin ngayon ng mga fans ko, sir, I have a collection of your collective
compositions.
Seriously, yun pong mag compose ng kanta hindi naman
siguro yun basta-basta gawin na lang ng kahit sino. Mas lalo na yung mag compose
ka ng exactly sixty seconds na kanta. Pero ang natutuhan ko sa loob ng thirty
years, minaliit ng GMA network duon din sa sagot na sulat na pirmado ni Atty.
Dick Perez na kanilang abugado. Nakalagay po duon.
These changes we’re
not made by Mr. Granada alone. One word from Mr. Granada or even three, assuming
without admitting, that all changes were made by Mr. Granada does not make the
piece his own.
Para akong sinabihan na, aangkinin mo ito eh wala ka
namang ginawa liban na palitan ang isang salita.
It did not thirty days
to finish that composition. It took me thirty years to hone the skill required
to create that composition. Ngayon ipamumukha mo sa akin na ginawa ko lang ay
palitan ko ang isang salita. At may nalalaman pa itong mga abugadong ito, na
assuming without admitting.
Unang-una po, liwanagin ko lang.
Hinding-hindi ko inaangkin yung nilabas nila sa TV. Frankly, ayoko yung mga tono
na ganun. Bakit ko naman aangkinin yun? In fact, dahil ayaw ko yung kinalabasan,
naiinis pa lalo tuloy na isiping may kinalaman pala ako duon.
Ganun pa
man, ang sinasabi ko, hindi sila makakagawa nun, kung hindi nila sinamantala ang
aking ginawa. Again, ang kini-claim ko, hindi sila makakagawa nun, hindi man ako
nagagandahan duon, o gandang-ganda man sila duon. Hindi nila magagawa yun kung
hindi nila sinamantala ang study na gawa ko.
And if we will just let GMA
Kapuso Foundation and Proctor and Gamble get away with it, that is like
applauding their arrogance and condoning stealing. And to think that GMA as
publisher, sits in the board of FILSCAP which protects the writes of composers
and lyricist. At may mga anti-piracy anti-piracy ka pa minsang kampanyang
napapalabas sa GMA.
Kung hahayaan natin ito, what is now stopping anyone
from commissioning artists in general to make studies only to reject them, make
easily done modifications out of their hard work and pass them of as entirely
new creation all together?
Ninakawan mo na yung mangagawa sa
pinagpaguran niya, dinuro-duro mo pa na wala siyang claim dahil wala naman
siyang ginawang significant.
Ha… *sigh*
Which makes me wonder?
Saan napunta ngayon yung puso sa GMA Kapuso Foundation?
Kung sa tingin
po ninyo ay tama lang na ipaglaban ito, malaking tulong kung makakagawa kayo ng
statements of support. Mahalaga rin na makakalap ng mga opinyon ng mga dalubhasa
kung kayo ay nasa literature department o creative writing center ng iyong
university o college of music, your expert opinion will help a lot.
Kung
kayo ay composer, lyricist, writer o artists in general. Please send us your
comments. Kung kayo ay abugado na dalubhasa sa mga ganitong bagay at sa tingin
ninyo ay lehitimong grievance ito, please send us your views.
Paki email
lamang po sa garygranada@yahoo.com.Thank you very much for your time.
You decide if Kapuso Foundation really did make a mistake here.
Personally, as a lover of the art, my heart goes to Gary Granada. I'm supporting his battle.
*image is from http://earthmusic.mindanaoculture.com/
1 Comments